minsan nakakainis talaga kapag inaaway nila ang mga Pinoy or ang Pilipinas... ewan ko ba, minsan talaga may parte sa kin na kumikirot (wahaha, naks!) pag iniinsulto, nilalait or pinagtatawanan nila tayo or ang bansa natin...
halimbawa na lang ung nabasa ko sa inquirer.net... ung isang sikat na artista sa US eh gusto pa raw nya magkaroon ng maraming anak so kukuha daw siya ng Filipino Mail Order Bride...
tapos kagabi nung pinanood ko ung the simpsons, si Krusty the Clown nag-comment na i-repackage ung mga defective "Krusty Pregnancy Test Tool Kit" as coffee stirrer tapos ibenta sa Philippines...
tapos nainis din ako sa first episode ng Smile (starring MatsuJun) (dahil ang role nya dun ay 1/2 Filipino, 1/2 Japanese) pag tinatawag siyang Filipino bastard...
may katotohanan din naman ung mga sinasabi nila or ung mga iniisip nila tungkol sa tin.. dahil na rin siguro un ang madalas mabalita... pero syempre minsan ang joke para sa kanila, ang dating ay insulto sa tin... eh bakit ba? nagkalat ang mga Pinoy sa mundo, nagsasabog lang tayo ng lahi natin wehehe... o kaya mas bibo lang din tayo at nakakaisip ng ibang pag-gagamitin ang mga bagay... o kaya sadyang magaganda ang mga Pinay nyehehehe...
pero tama nga rin ung sinasabi nila sa Smile... na ang Pinoy kahit na maraming problema, kahit iniinsulto na, kahit inaapi, kahit umiiyak na... nakukuha pa rin ngumiti... kaya masaya talaga sa Pilipinas... adik mga tao wehehehe :p
^_^
p.s. ayon sa nabasa ni r1a, nasa 4,000+ tao ang nags-suicide dito sa japan (ayon sa current stats)... mostly depression ang dahilan... ang mga Pinoy, kahit baon sa problema, di nagpapakamatay... nakukuha pang makipag-inuman sa kanto at magvideoke wehehe... (na sana di mahahantong sa patayan wahahaha...)
Wednesday, May 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment