Friday, September 28, 2007

お願い

ngaun ko lang narerealize kung gaano ang "poot" (hehe) ang nararamdaman sa mga counterparts dito, sa project ko man o hindi... at narealize ko rin, na ngaun, pwde ring may mamuong poot sa kin dahil empleyado na ko dito, parte na ng sistema na kinaiinisan (once in a while) sa maynila. hehe...

naexperience ko na ito dati, nung AO ako. umabot pa nga sa punto na sa inis ko eh naiyak na ko... bulak nga ang tawag ko sa sarili ko dati, taga-absorb ng mga reklamo, tanong, kuro-kuro, kalituhan ng magkabilang panig. kailangang talagang parehong side ang pakinggan ko.

gusto ko ung ginagawa ko. ksi fulfilling for me ang makatulong para magcommunicate sila ng maayos. alam ko bago pa ko, pero nakakatuwang isipin na kahit papano pinagkakatiwalaan nila ko. ung tiwala ang nagpapatibay sa kin ng loob... na binibigyan ako ng lakas para maka-survive ako dito. hindi biro ang pumagitna. may pagkakataon na bumibigay din ako sa hirap. pero dinadasal ko na sana, susuportahan pa rin nila ko, tutulungan nila ko... at gagawin ko ang lahat para maging maayos ang samahan nila sa abot ng aking makakaya

よろしくお願いします。

No comments: