had this conversation just as i got out of mK... while walking towards tamachi eki...
me: grabeh... ilang ganitong klaseng araw pa ba?
***: marami pang darating... pagod ka na?
me: oo... ang daya mo naman eh... sabi mo sasamahan mo ko, pero bakit lagi na lang ganito... mag-isa lang ako eh, wala man lang tumutulong sa kin dito... sinusunod ko naman kung ano ung nasa plano eh...
***: .......
me: ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko pero kailangan pa ba ko tapakan... suko na nga ko, tinanggap ko na kung ano mangyayari... pinababa ko na sarili ko pero hindi ko naman kailangang yumuko o lumuhod sa kanila...
***: bakit ka ba nagagalit? pinili mong pumunta dito eh...
me: oo na... hindi ko na ksi alam kung bakit kailangang mangyari pa ang mga ganung bagay... hirap na nga ko sa lenguahe dito, nakadepende pa sa kin... ano pa ba kailangan kong matutunan? makisama? hindi naman ata fair na ako na lang lagi ang a-adjust... sisihin pa ba na english ako magsulat? pinagt-tyagaan kong magtranslate para intindihin sila, bakit sila di gawin un?
***: hindi ka pa marunong siguro lumaban... mahilig mo rin akuin ang mga bagay...
me: eh sinong gagawa? pag sinabi kong sila...
***: eh anong masama sa pagsasabi na sila naman gumawa? natatakot ka rin kasi magsalita. totoo, hindi nila magagawa... wala ka ring choice talaga eh...
me: un nga eh. nadadayaan ko. isang buong release nakasalalay sa kin, pag pumalpak, lagot ako...
***: ows? hindi rin naman ikaw haharap sa customer di ba? sila pa rin ung lagot...
me: ....
***: ano bang importante talaga sa yo? nawawala ka ata sa focus sa goal mo eh...
me: oo nga eh. natatakot ako sa totoo lang na maabsorb sa trabaho...
***: un naman pala eh... eh di gumawa ka lang.. pag nagkamali magsorry ka... di ka naman mawawalan ng trabaho, hindi naman illegal ung ginagawa mo, nagkaroon ka lang ng mali...
me: haaay... pano ba ko magrerelax... pagod na rin ako eh... gusto ko umuwi...
***: tatalikuran mo na lang ito? unang-una wala kang visa.. pangalawa, may kontrata ka, un illegal kung di mo tatapusin...
me: tapos may nihongo pa...
***: ikaw na rin kaya nagsasabi na hindi yan ticket papuntang langit...
me: eh...
***: mag-aral ka para sa sarili mo, gumawa ka para sa sarili mo... sa kalaunan, magsisilbing daan yan papunta sa bahay ko...
me: masama bang mapagod?
***: hindi. natutuwa nga ko kinakausap mo ko ng ganito... sa totoo lang minsan mo lang ako maalala, tuwing ganyan ka pa... hindi naman kita iniiwan eh... ikaw lang din nakakalimot...
me: oo nga eh.. maski mga kaibigan ko napansin nakakalimot na ko...
***: alamin mo kung ano ba talaga importante sa yo... bumalik ka sa focus... at wag ka makalimot...
me: (pasakay na ng train) pwede ba kong umiyak mamaya :-(
***: sige... iblog mo pa ito para maalala mong nag-usap tayo ngaun...
me: ...
========
Thursday, November 15, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
>:D<
Post a Comment