Monday, November 5, 2007

maligayang ika-apat na buwan

sa mga nakaraang araw, buwan, taon, maraming nangyayari sa tin... masaya, malungkot, nakakatakot, nakakaaliw, nakakabaliw... hindi pa man lahat pero humigit kumulang nadama na natin ang lahat ng emosyon sa mundo... at malamang nanggaling na tayo sa kailaliman ng pagkalugmok hanggang sa maabot natin ang langit.. tapos balik ulit sa baba, tapos babangon muli... gulong ng palad ika nga nila.

kanya-kanya tayo ng paraan paano kayanin ang mga pagsubok... sa iba madali, sa iba mahirap... sa iba halos ikakamatay na nila, sa iba naman ay wala lang... sa iba ginagawang biro na lamang, sa iba naman masyadong sineseryoso... iba't ibang tao, iba't ibang reaksyon...

bakit ako nagsusulat ng ganito? :-P napagtanto ko lamang na sa nakaraang apat na buwan na pamamalagi ko dito sa lupain ng hapon, lalo kong nakikilala ang aking sarili. ito na siguro ang pagsubok sa kin, ang kilalaning mabuti ang aking sarili. ang iba naiisip ang swerte ko dahil sa pamamalagi ko dito, ang iba naman naawa sa aking pangungulila at ang iba naman nasasabik sa aking pagbabalik sa pinas.

sa kabila ng mga nadarama kong emosyon, hindi ko maipagkakailang mahina talaga ako. isang pitik lang tumba na ko. pero maipagmamalaki kong lumalaban ako. at napag-isipan ko na ang pinakamagandang paraang lumaban ay aminin sa sarili na mahina ka... at ang kahinaang yun ang gagamitin mong sandata para sumugod sa gyera ng buhay.

at sa pakikibaka kong ito, lagi kong nadarama na hindi ako mag-isa... may kasama ako... nasa front line palagi... tutulungan akong bumangon sa pagkakadapa... aakayin ako pag ako'y sugatan... tatanggapin ako sa aking mga pagkukulang...

sana'y wag Kang magsawa... at sana'y samahan Mo rin lagi ang mga taong katulad kong mahina ^_^